Huwebes, Oktubre 16, 2014






Guro? ano nga ba guro? Bakit kailangan natin ng guro?
         Marahil lahat naman tayo alam ang kahulugan at gampanin ng isang guro. Ngunit alam ba natin ang ginagampanan nito sa ating buhay?





         Sa pagtapak natin ng elementarya, sila na ang sumalubong sa atin. sa simpleng pagsulat ng abakada, pagbigkas ng A E I O U , pagsulat ng 12345567890 . sila na ang gumabay at sumubaybay sa atin.


              Sa pagtayo nila sa harapan para magturo nakikita at nakikilala niya tayo sa kung sino at ano tayo sa hinaharap. Sa puso nila tayo ay pantay pantay ngunit sa pagtingin nila iba iba tayo. kilala nila tayo sa ipinapakita natin, hindi sa kung anong iniisip niya tungkol sa atin.




                Binibigyan tayo ng motibasyon upang kayanin ang hirap ng pag-aaral. Binubuksan nila ang kanilang komunikasyon sa atin upang sa simpleng payo at matulungan nila tayo.


               Yan ang GURO. Yan ang ating mga guro. Simple ngunit nagbubunga ng mas malawak na propesyon. Humuhubog sa kasalukuyan upang magkaroon ng matatag na pundasyon sa hinaharap.





 The influence of a good teacher can never be erased..
       Ang turo ng guro ay mananatili sa  atin. Hindi nga yung mga aralin na kanyang naituro kundi yung mga aral na naibahagi niya sa atin

        Sabi ng isa sa aking mga Professor, "Kung Gusto mo ng pagbabago, kailangan mag simula ito sayo". Hindi man lahat ng aralin ay pumasok at naitanim ko sa aking isipan, naitanim naman sa aking puso ang kaniyang sinabing iyon. sabi pa niya "Kayo ay guro sa hinaharap, kung iresponsable kayo ngayon paano na ang mga mag-aaral na inyong tuturuan sa darating na panahon" Dito nais lamang niyang iparating ang kahalagahan ng kasalukuyan sa hinarap. 






           Mabilis na lumilipas ang oras. Marahil ngayon pumapasok ako sa paaralan para mag-aral ngunit sa hinaharap, papasok na ako ng paaralan para magturo. 

           Sa darating na panahon, ang oras ko ay mapupunta na sa aking pagtuturo. Gaya nga ng sinabi ng isa sa aking mga Professor " teacher is a nobles .... A NO BLESS profession ". Tama siya walang yayaman sa pagtuturo. Tanging kasiyahan lang nila ang makita nilang natututo ang kanilang mga estudyante. Estudyante na minsan hindi na-aapreciate ang hirap at pagtityaga ng kanilang mga guro. Mga estudyanteng pasaway, makukulit, at maiingay. Ngunit dito papasok ang tunay na trabaho ng isang guro, ang hubugin at turuan magbago ang kanilang mga estudyante. Turuan sila hindi lamang ng paksang aaralin kundi turuan sila kung paano aaralin ang paksa, sa simpleng kahulugan turuan sila kung paano magsipag sa pag-aaral.

        Ang oras ng guro ay masasayang kung hindi niya napunan ang kailangan ng mag-aaral. Gayundin, ang oras ng mag-aaral ay masasayang kung hindi niya pupunan ang kinakailangan upang ipasa siya ng kaniyang guro. :)

Lunes, Oktubre 13, 2014




 "Teaching creates all other professions".

          Marahil nga tama ang kasabihang ito. Walang abogado, doctor, pulis at kung ano anu pang propesyon kung walang guro. Kaya sabi nga nila wag mong ikahiya ang pagiging guro. Ang guro ay hindi  "Guro Lang" kundi "GURO". Gurong huhubog sa kinabukasan ng isang mag-aaral. Kaya kung ano sila ngayon, dahil iyon sa mga GURO.



The Voice
There is a voice inside of you
That whispers all day long,
"I feel this is right for me,
I know that this is wrong."
No teacher, preacher, parent, friend
Or wise man can decide
What's right for you--just listen to
The voice that speaks inside.” 

― Shel Silverstein


               Napakahirap maging isang guro. Kailangan ng matatag na loob, sipag, at mahabang pasensya. Kaya sa simpleng pag-aalay natin sa kanila ng tula ay mapa abot natin sakanila ang ating pasasalamat. Pasasalamat sa lahat ng oras na inilalaan nila sa atin maturuan lamang nila tayo. Pasasalamat sa pagbibigay ng mahabang pasensya sa mga oras na nagiging pasaway tayo. At higit sa lahat pasasalamat sa pagmamahal at pagiging pangalawang magulang nila sa atin :)