Guro? ano nga ba guro? Bakit kailangan natin ng guro?
Marahil lahat naman tayo alam ang kahulugan at gampanin ng isang guro. Ngunit alam ba natin ang ginagampanan nito sa ating buhay?
Sa pagtapak natin ng elementarya, sila na ang sumalubong sa atin. sa simpleng pagsulat ng abakada, pagbigkas ng A E I O U , pagsulat ng 12345567890 . sila na ang gumabay at sumubaybay sa atin.
Sa pagtayo nila sa harapan para magturo nakikita at nakikilala niya tayo sa kung sino at ano tayo sa hinaharap. Sa puso nila tayo ay pantay pantay ngunit sa pagtingin nila iba iba tayo. kilala nila tayo sa ipinapakita natin, hindi sa kung anong iniisip niya tungkol sa atin.
Binibigyan tayo ng motibasyon upang kayanin ang hirap ng pag-aaral. Binubuksan nila ang kanilang komunikasyon sa atin upang sa simpleng payo at matulungan nila tayo.
Yan ang GURO. Yan ang ating mga guro. Simple ngunit nagbubunga ng mas malawak na propesyon. Humuhubog sa kasalukuyan upang magkaroon ng matatag na pundasyon sa hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento