Mabilis na lumilipas ang oras. Marahil ngayon pumapasok ako sa paaralan para mag-aral ngunit sa hinaharap, papasok na ako ng paaralan para magturo.
Sa darating na panahon, ang oras ko ay mapupunta na sa aking pagtuturo. Gaya nga ng sinabi ng isa sa aking mga Professor " teacher is a nobles .... A NO BLESS profession ". Tama siya walang yayaman sa pagtuturo. Tanging kasiyahan lang nila ang makita nilang natututo ang kanilang mga estudyante. Estudyante na minsan hindi na-aapreciate ang hirap at pagtityaga ng kanilang mga guro. Mga estudyanteng pasaway, makukulit, at maiingay. Ngunit dito papasok ang tunay na trabaho ng isang guro, ang hubugin at turuan magbago ang kanilang mga estudyante. Turuan sila hindi lamang ng paksang aaralin kundi turuan sila kung paano aaralin ang paksa, sa simpleng kahulugan turuan sila kung paano magsipag sa pag-aaral.
Ang oras ng guro ay masasayang kung hindi niya napunan ang kailangan ng mag-aaral. Gayundin, ang oras ng mag-aaral ay masasayang kung hindi niya pupunan ang kinakailangan upang ipasa siya ng kaniyang guro. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento